Bago pa man maisalang ng matagal ang column ko sa printing press, palagi nang pumapasok sa aking isipan kung meron ba akong nakalimutang banggitin tungkol sa mga estudyanteng mahilig din sa sabaw o nabubusog din ng mga sabaw (scholarship).
Ilang araw, matapos maipamahagi ang aming tabloid issue (The Naga Collegian) na dapat sana'y noon pang 1st semester, marami ang nagpuna sa aking kolum tungkol sa "Libre ang Sabaw! Bow."
Sa totoo lang, hindi ko naman iyon ginawa para lang magpa-impress. May purpose iyon. Una, gisingin ang mga natutulugang iskolar ng bayan. Manindigan tayong iskolar nga talaga tayo ng bayan- na hindi lang basta tintustusan. Ikalawa? (Akin na lang iyon.)
Marami ang nagalit sa akin. Majority sa kanila ay mga student assistant, (sorry na nga, nakalimot lang talaga ang lolo mo). Maganda raw ang kolum ko, ang topic at ang pagkakasulat. (ang sabi....)
Bakit raw hindi ko sinali ang mga student assistants na kabilang din sa mga tinutustusan ng sabaw sa pag-aaral. Hayaan niyo, darating tayo dyan!
Sa totoo lang, mahirap ang kalbaryo nila ngayon, pero sa tingin ko ay hindi naman masyadong pang-passion of the christ.
Bukod sa mga student assistant, meron pa, mga athletics. (At kung meron pa akong hindi naisabi, e-mail nyo na lang....joke.)
Ang hirap talagang maging writer, hindi lang dahil nagsusulat ka, marunong magsulat o gusto magsulat ay magsusulat ka nga. Dapat, alam mo rin kung nabibigyan mo ng sapat na impormasyon ang mga mambabasa. Ngunit, wala namang perpekto, sabi ko nga, hintay-hintay lang kayo boy, darating tayo diyan...
No comments:
Post a Comment